- Lyrics
- Album list
Quest
-
Bagong Bayan
[Verse 1:] Gumising ka na Buksan ang yong mata Sabayan ang pagsikat ng bagong umaga
Bumangon ka na Huwag kang magalala Sa biyahe ng buhay Kasama kita
Sa hamon ng bukas Sa bawat pagsubok Abutin ang tagumpay Hindi tayo susuko
Ikaw ang pinakahihintay mo Ikaw ang pagbabago, tayo ang magbabago
[Chorus:] Bagong bayan Bagong pagasa Bagong kamalayan Sama-sama Pilipinas Tulong-tulong Hindi uurong Tayo ang Bagong bayan
[Verse 2:] Gising, bangon, tumayo na Harapin mo ang bagong umaga Sumabay ka na, Tatagan mo ang iyong puso Manalig, mangarap, hindi ka mabibigo Tayo ang makabagong bayanihan Tayo ang bayani ng bayan Ipagmalaki mo ang yong kulay Ngayon natin pakita ang ating husay Pumiglas sa gapos ng kahapon Wasakin ang pader ng iyong utak ngayon Para sa pagasa ng bukas, taas noo Matayog ang lipad ng pangarap mo Sa bawat laban lahat tayo ay bida Sugpuin ang kalaban, ang tuso, ang siga Panahon na para buhayin ang pangarap Tayong lahat magsisilbing liwanag
[Outro:] Tayo ang pagbabago Ngayon na ang pagbabago Bagong bayan (tayo ang bagong bayan)
-
|